Parokya ng Banal na Krus
Gen. T. De Leon, Valenzuela City
Ika 30 ng Mayo 2026
Matagumpay na isinagawa ang pagtatapos ng 209 kalahok ng Simba Aralan Catechetical program sa nasabing parokya na pinangunahan ni Padre Jun G. Roxas, ang kasalukuyang kura paroko ng nasabing parokya.Β
Ang pagdiriwang ay sinimulan sa isang mabiyayang misa at nagbigay ng unang pakikinabang sa 53 na batang nagsipagtapos sa nasabing programa.Β
Sa kanyang homiliya, binigyang-diin ni Father Jun kung gaano kahalaga ang mga bata para sa Panginoon at sa buong simbahan, kung kaya't masigasig at buong paghahanda ang isinagawa sa nasabing programa sa pagtataguyod ng buong parokya at ng mga katekista, mga komite ng simba-aralan, at ng lahat ng volunteers na taos-pusong nagkaloob ng kanilang pagpapagal at oras para sa pagdaraos ng nasabing programa sa loob ng isang buwan.Β
Binigyang diin din ni Father Jun na ang itinuturo sa mga bata ng simba aralan ay ang kayamanan ng kanilang isip- sa mga aral at katuruan ng panginoon na ipinahahayag ng simbahan sa panmamagitan ng katekismo sa simba- aralan, at ang kayamanan ng kanilang mga puso na pinuno ng pag-ibig sa loob ng simbahan sa pamamagitan ng nasabing programa, na siya namang babaunin ng mga bata sa kanilang mga tahanan upang silaβy maging mga mabubuting anak sa kanilang magulang, maging mabuting bahagi ng pamilya at ng pamayanang kanilang ginagalawan.Β
Sa huli ay iniulat ni Father Jun ang kabuuan ng mga cash donations at in-kind donations na tinanggap ng nasabing programa at kung saan ito inilaan.Β
Ang pagdiriwang ng banal na misa ay sinundan ng graduation exercises na pinangunahan nina Ate Ciela Jane Tesorero at Kuya Alvin Garzon ng Parish Commission on Social Communications na siyang nagsilbing master of ceremonies ng programa. Ang mga graduates ay tinawag ng mga youth volunteers sa kani-kanilang classroomΒ at ginawaran ng sertipiko ng pagtatapos at pakikilahok. Ang lahat ng mga bata ay tumanggap ng mga school kits na kinapapalooban ng kanilang schoolbags, notebooks, lapis, papel at crayons na siya namang magagamitΒ pa nila sa darating na pasukan.Β
Nagpakitang-gilas din ang mga post-communicant children ng Sitio Cabatuhan at sinundan ito ng tribute song na inawit ng mga bata bilang pagpapahayag ng kanilang pasasalamat sa programang Simba Aralan, sa mga taong nagtaguyod nito, higit sa lahat sa Panginoon.Β
Ang pagdiriwang ay tinapos sa pamamagitan ng masayangΒ na Jollibee chicken meal, sponsored by Sister Ester Chavez and Family na siyang kasalukuyang Chairperson ng PASKA.
Bisita Pastoral ng Obispo ng Malolos, Buong Siglang Sinalubong ng mga Mag aaral ng Simba Aralan sa Parokya ng Banal na Krus
Mayo 9, 2026 - Parokya ng Banal Na Krus
General T. De Leon Valenzuela CityΒ
Buong galak na sinalubong ang ating mahal na obispo ng mga batang mag aaral ng Simba Aralan sa ating Parokya noong nagdaang May 9, 2026. Sa kabila ng mainit na panahon, sing init din ang pagsalubong at lubos ang kaligayahang sinalubong ang mahal na obispo ng nasabing mga batang mag aaral.Β
Matatandaan na ang Simba Aralan ay isa sa 5 Priority Pastoral Projects ng Dyosesis ng Malolos at ito ay isang pang diyosesis na gawain na sabayang ginagawa ng lahat ng parokya sa ilalim ng Diyosesis ng Malos.
May halos dalawang daang bata ang masayang nakiisa sa nasabing aktibidad at masaya nilang sinalubong ang ating obispo sa dalawang magkahiwalay na lokasyon na binubuo ng Parokya ng Banal na Krus at sa Bisita ni San Roque na matatagpuan sa Sitio Cabatuhan ng nasabing Baranggay.Β
Binigyang pansin ng mahal na obispo ang presenya ng mga bata ng simba aralan at silay kanyang binasbasan na siya namang lubos na ikinatuwa ng mga bata.Β
Sa kabuuan ay naging masaya ang nasabing okasyon at nagbigay inspirasyon at panibagong lakas hindi lamang sa mga batang kasali sa Simba Aralan kung maging sa mga Katekista at iba pang volunteers na siyang nagtataguyod ng nasabing programa.Β
Mga kuhang larawan :Β
Ang Simba-Aralan ay isang Summer Catechetical Program ng Diyosesis ng Malolos na katuwang ang Komisyon sa Ebanghelisasyon sa layuning patuloy na hubugin ang murang pusoβt isipan sa liwanag ng Salita ng Diyos.
Inaanyayahan ang mga bata na makiisa sa makabuluhang paglalakbay na magaganap mula Mayo 1β31, 2026, tuwing 3:00β5:00 ng hapon, kung saan ang bawat araw ay magiging pagkakataon ng pagtuklas, pagninilay, at masayang pagkatuto.
Bukas ito para sa:
β’ Pre-Communicants β 7β8 taong gulang
β’ Post-Communicants β 9β12 taong gulang
Sa pamamagitan ng kuwento, awit, talakayan, at malikhaing gawain, ang pananampalataya ay hindi lamang natututuhan kundi isinasabuhay β nagiging tanglaw sa pang-araw-araw na pamumuhay at lakas sa pagharap sa mga hamon ng kabataan.
Para sa mga nagnanais makibahagi o magkaroon ng Simba-Aralan Modules, maaaring makipag-ugnayan sa ating mga Simba-Aralan Parish Coordinators:
β’ Pandiyosesanong Sentro ng Katekesis (PASKA)
β’ Parish Commission on Youth (PCY)
Sa Parokya ng Banal na Krus ang Simba Aralan ay binubuo ng mga sumusunod:Β
Coordinator : Sister Jane Kargnilla
Assistant Coordinator : Sister Ruby Caysip
Secretary : Ate Lani Rose and Kuya Ariel Rodriguez
PASKA Chair : Sister Ester Vasquez
Project Head : Fr. Jun Roxas Parish PriestΒ
Katuwang nila ang lahat ng mga volunteers at mga katekista mula sa PASKA, PCY at Social Communications Commission.Β Ang Simba Aralan project ay inilunsad noong April 25, 2026, ganap na ikatlo ng hapon sa Parokya ng Banal na Krus, Gen. T. de Leon, Valenzuela City.Β